FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
Birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority (PSA). Maaari ring tanggapin ang inilabas ng National Statistics Office.
Kung sakaling walang PSA birth certificate, ang magulang/tagapangalaga ay kinakailangang magbigay ng birth certificate (late registration) mula sa local civil registrar o barangay certificate na naglalaman ng pangunahing impormasyon ng mag-aaral tulad ng:
Pangalan ng bata (first name, middle name, last name)
Pangalan ng Magulang
Petsa ng Kapanganakan
Paano malalaman ang paraan ng pag enroll, wala kaming internet?
Maaring mag-tanong sa dating class adviser ng mag-aaral sa kung paano ang magiging proseso ng enrollment. Maari ding dumulog sa nakatakdang enrollment kiosk/booth/desk sa inyong mga barangay upang makakuha na rin ng dokumentong kakailanganin.
Paano ang pag-enroll kung lilipat ng school?
Nararapat lamang na kontakin ng mag-aaral o magulang ang paglilipatang paaralan upang ipagbigay alam ang ninanais na paglipat.
Ang Learner Reference Number (LRN) ay isang permanenteng labindalawang (12) numero no kinakaitangan ng isang mag-aaral habang kinukumpleto ang basic education program, kahit na sa pagtipot ng paaralan sa pompubliko o pampribadong sector, at pagtaas tungo sa sekundarya.
Hindi, hindi moaaring magkaroon ng dalawang LRN ang mag-aaral. Ang LRN na ibinigay oy dapal panafilihin al maging pareho kahit sa paglipat ng paaraian sa pongpubiiko o pam-pribadong sector, at pagtaas tungo sa sekundarya. Bawat mag-aaral sa basic education system ay dapat bigyan ng isong naiiba at permanenteng LRN na kaniyong mogagomit sa buong basic education program.
Ang mga school heads (SHs), district ALS coordinators, of mobile teachers ay dapal humingi ng garantiya ukol sa pagpapawalang bisa ng mga LRN dahil sa maramihang pagbibigay ng LRN sa isang mag-aaral o iba pang dahilan.
Hindi. Responsibilidad ng Database Management Unit Office of the Planning Service ng DepEd Central Office ang pagbibiaay ng LRN sa mga mag-aaral.
Wala. Nakasaad sa polisiya ng bansa ang pagbibigay ng edukasyon so lahat sa pamamagitan ng paghahatid ng libre at kinakailangang edukasyon sa mga mag-aaral sa elementarya pati na rin sa sekundarya.
Ang mga mag-aaral na walang profile sa LIS ay kinakailangang sagutan ang Basic Education Enrollment Form at ibigay ang kanilang Birth Certificate mula sa PSA o local civil registrar o barangay certification sa taong ilinakda para sa rehistrasyon.
Sino ang dapat magbigay ng school record ng isang mag-aaral?
Ang School Form 9 (Form 138) at School Form 10 (Form 137) ng mag-aaral ay dapat na maibigay ng dating paaralan papunta sa paglilipatang paaralan. Ito ay dapat na school-to-school transaction lamang at ang mga paaralan ay hindi dapat ipasa ang ganitong responsibilidad sa mga magulang o guardian.
Ano ang iba’t ibang paraan upang makolekta ang mga enrollment at survey data?
Ang mga enrollment at survey data ay maaring makolekta sa pamamagitan ng: (1) Tawag sa telepono; (2) SMS/Text messaging; (3) Pagpapasa sa pamamagitan ng online (hal. E-mail, Messenger, Viber at iba pa.)
Paano ang mga mag-aaral na walang internet connection at gadgets sa bahay? Paano sila maaaring matuto?
Sa ilalim ng Learning Continuity Plan ng Department of Education, nakapaloob ang mga Learning Delivery Modes na maari nilang gamitin. Bukod sa online learning, gagamitin rin ang mga self-learning modules, TV at radio sa pag-aaral ng mga estudyante.
Sino ang magtuturo sa mga bata kung hindi face to face?
Mahalaga ang papel ng magulang o guardians ng mga estudyante habang pinatutupad ang Distance Learning. Sila ang ang magiging gabay ng ating mga learners upang maging posible ang patuloy na pagkatuto.
Paano ang mga guro? Masasakripisyo ba ang kalusugan nila?
Tulad ng ating mga learners, hindi rin magiging face-to-face ang pagpasok ng ating mga guro. Maari nilang ipagpatuloy ang serbisyo at pagtuturo habang nananatili sa loob ng bahay.
May bayad ba ang learning modules?
Ang learning modules na ginawa at ipamimigay ng DepEd ay libre o hindi kailangang bayaran.