Ipinagdiwang ang Parangal 2026 bilang pagkilala sa tagumpay at natatanging husay ng mga mag-aaral na nagsipagtapos at pinarangalan ngayong taon. Kinilala ang kanilang sipag, tiyaga, at determinasyon na nagbigay-daan sa kanilang mga natamong tagumpay sa akademikong larangan.
Binigyang-diin din na ang bawat parangal ay hindi lamang bunga ng sariling pagsisikap kundi ng patuloy na suporta ng mga guro, magulang, at iba pang taong naniwala sa kanilang kakayahan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang pagkilalang ito upang lalo pang magsumikap ang mga mag-aaral sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.



