Ang taunang gawaing ito ay sinimulan sa isang masigla at makulay na Kick-Off Parade, na sinundan ng isang makabuluhang Opening Program kung saan nagtipon-tipon ang mga guro, magulang, mag-aaral, at mga katuwang ng paaralan upang ipakita ang kanilang suporta at pakikiisa.

Isinagawa rin ang Signing of Pledge of Commitment, bilang simbolo ng dedikasyon ng bawat isa sa pagpapanatili ng maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagkatuto.

Kasunod nito ang aktibong Classroom Cleaning at Decluttering Operations, kung saan sama-samang naglinis at nag-ayos ang mga boluntaryo upang maihanda ang mga silid-aralan para sa darating na pasukan. 🧹🪑📚

Ang diwa ng bayanihan ay tunay na nagniningning sa ating paaralan—patunay na sa pagtutulungan, makakamit natin ang kaayusan at mas dekalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.