Pagbati sa mga nagwagi at sa lahat ng lumahok sa iba’t ibang patimpalak bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”
Tunay na kahanga-hanga ang ipinamalas na talento ng mga kalahok. Nawa’y ang selebrasyong ito’y maging daan upang lubusang mahalin pahalagahan at gamitin ang ating wikang pambansa, ang wikang Filipino.
Taos pusong pasasalamat din po sa ating punongguro Dr. Analyn A. Tiglao, mga TWG, sa ating mga dalubguro, mga guro sa Filipino, sa mga puno ng bawat baitang, mga magulang at higit sa lahat sa mga mag-aaral sa matagumpay na pagdiriwang ng Buwan Ng Wika ngayong Agosto 2025. Hanggang sa muli Mabuhay po tayong lahat!!!
Mabuhay ang Wikang Filipino!